Mga Madalas Itanong tungkol sa mga turo ng Bibliya

Ang pahinang ito ay naglalaman ng serye ng mga tanong at sagot sa ilang paksa sa Bibliya na nakalista sa ibaba. Ang mga sagot na ibinigay ay mga buod ng mga pangunahing punto para sa bawat paksa. Maaari kang makakita ng higit pang impormasyon sa bawat paksa sa ilalim ng Mga Turo ng Bibliya o sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga tanong o isang kahilingan para sa higit pang impormasyon sa pahina ng Kahilingan.

Kasama sa mga sagot ang mga sanggunian sa Bibliya sa bawat tuldok. Hinihikayat kang tingnan ang mga sangguniang ito sa iyong Bibliya. Ang halimbawa ng mga Hudyo sa Berea ay isa na dapat tularan na pagkatapos marinig ang turo ni Apostol Pablo, sila ay ‘sinaliksik ang mga Kasulatan araw-araw upang malaman kung totoo nga ang mga bagay na ito’ (Mga Gawa 17:11).

No results found.

01. Ang Biblia

Bakit ang Biblia ay isang natatanging aklat?
Ito ay kaisa-isang aklat na nagbibigay sa atin ng totoong kaalaman tungkol sa Dios, sa ating Panginoong Jesucristo, at Kaligtasan.

Ito ay naisulat ng mga tao na ginabayan ng Banal na Espiritu ng Dios.

Ito ay nangangako ng walang hanggang buhay sa lahat na naniniwala at sumusunod sa mga aral nito.

Tingnan sa → Juan 17:3; Roma 2:7; 2 Pedro 1:11;
Papaano natin maiging maunawaan ang mensahe ng Biblia?
Sa pag-unawa at paniniwala sa mensahe nito, kinakailangan ang palagiang pagbabasa ng Biblia na may panalangin ng basbas ng Dios.

Ang Biblia mismo ang siyang pinakatagapaliwanag. Ang ibang bahagi ng Biblia ay tutulong sa atin upang unawain ang ibang bahagi.

Tingnan sa → Lucas 24:25-27; 1 Corinto 2:13

02. Ang Dios

Ano ang katuruan ng Biblia ukol sa Dios?
Siya ang kaisa-isang Tunay a Dios.

Ang Dios ay Espiritu.

Tingnan sa → Juan 4;24;
Ang Dios ang Tagalalang ng lahat ng mga bagay.

Tingnan sa → Genesis 1;1; Isaias 45:18;
Kontrolado ng Dios ang lahat ng mga bagay, Alam ng Dios ang lahat ng mga bagay, maging ang ating mga iniisip.

Tingnan sa → Isaias 45;7; Mga Awit 139:1-12;
Ang Dios ay iisa; hindi tatlo.

Ang Dios ay banal at totoo.

Tingnan sa → Exodo 15;11; Isaias 45:18;
Ang Dios ay maibigin at maawain.

Ang Dios ay matuwid at gagantimpala sa mabuti at nagpaparusa sa masama.

Ang Dios ay may plano para sa kinabukasan ng lupa, at ng sangkatauhan.

Ang Dios ang siyang Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

03. Ang Tao

Papaanong nalalang ang tao?
Ang tao ay nilalang ‘ayon sa wangis ng Dios.’ Ang unang tao ay hinubog ng Dios mula sa alabok ng lupa. Hiningahan ng Dios ng buhay at siya ay naging buhay na nilalang.

Tingnan sa → Genesis 1:27; Genesis 2:7;
Umaayon ba ang Biblia sa katuruan na ang tao ay nagmula sa mga hayop?
Hindi. Kinokondina ng Dios and mga katuruang ito sa pamamagitan ng paghahayag na ang Dios ang siyang naglalang sa pinakaunang tao, si Adan at sa unang babae, si Eva; at ang lahat ng mga lalake at babae ay nagmula sa kanila.

Papaano inihayag ng Biblia ang pangyayari na ang lahat ng tao ay namamatay?
Si Adan ay sumuway laban sa Dios. Bilang parusa, siya ay hinatulan ng Dios na mamatay. Ang sumpa na kamatayan ay naipasa mula kay Adan hanggan sa atin, dahil tayo ay lahi ni Adan, at mula sa Kaniya, tayo ay likas na masuwayin laban sa Dios.

Ano ang Kasalanan?
Sa tuwing ating nilabag ang mga kautusan ng Dios, tayo ay nagkakasala. Kasalanan pa rin kahit hindi natin napagtanto na tayo ay nagkakasala.

Tingnan sa → 1 Juan 3:4; Levitico 4:21;
Bakit ang mga tao ay namamatay?
Ang kamatayan dumating bilang kaparusahan ng kasalanan.

Ano ang nangyayari sa mga tao pag sila ay namatay?
Kapag namatay ang tao sila ay humintong nananatili. Ang mga taong patay ay walang kakayahang mag-isip, gumawa ng anumang bagay o nakaramdam ng anumang bagay. Sila ay walang malay, halos kaparehong mahimbing na natutulog na walang panaginip.

Ang ating kaluluwa ba ay nabubuhay pagkatapos mamatay ang aking katawan?
Hindi. Ang Biblia ay di nagbabanggit ng ‘kaluluwang di namamatay.’ Ito ay gumagamit ng salitang ‘kaluluwa’ sa anumang nabubuhay – tao, hayop, ibon, isda, insekto. Ang Biblia ay nagtuturo na ang mga kaluluwa ay namamatay at mamamatay. ‘Buhay na nilalang’ sa Genesis 1:21 at 1:24 ay kaparehong salita ng nasa Genesis 2:7. Ang parehong salita ay muling ginamit sa Mga Bilang 6:6 kung saan ang ‘patay na tao’ ay ‘patay na kaluluwa’ sa orihinal na teksto.

Mayroon bang anumang pag-asa sa lahat sa atin pagkatapos ng kasalukuyang buhay?
Oo, ngunit sa kay Jesucristo lamang. Kaniyang napagtagumpayan kapwa ang kasalanan at kamatayan. Kung siya ay babalik muli sa lupa, ang mga patay ay babangunin at hahatulan. Yaong naging tapat sa Kaniya ay pagpalain ng walang hanggang buhay sa loob ng Kaniyang Kaharian.

04. Ang Impierno

Ano ang Impierno?
Ang salitang ‘Impierno’ sa Bagong Tipan ng Bibliang Englis ay sumasaklaw sa dalawang magkakaibang salita sa orihinal na teksto, ang Hades at Gehenna. Sa karamihang Biblia na salin sa salita ng mga Asiatico ang dalawang salitang ito ay naisalin ng mas tama kaysa sa Bibliyang Englis. Ang dalawang ‘Impierno’ ay mananatili at sa magkaibang panahon. Ang Hades ay mananatili hanggang sa pagbabalik ni Cristo lamang, ang Gehenna ay pagkatapos na siya ay makabalik. (Ihambing ang Hades sa Apocalipsis 1:8 at ang Gehenna sa Lucas 12:5).

Tingnan sa → Apocalipsis 1:8; Lucas 12:5;
Ano ang Hades?
Sa karamihang talata na ang salitang ‘impierno’ ay makita sa Englis, ang original ay ‘Hades’, na siyang isang naibang pangalan para sa libingan. Ito ay ginamit sa pagsalin ng salitang nasa Lumang Tipan para sa libingan ‘ang sheol’ kapag nabangggit sa Bagong Tipan. Walang anumang kaalaman o paggalaw sa ‘Hades’ o ‘sheol’, sa libingan.

Sino ang pupunta sa Hades?
Lahat, mabuti o masama, upang matulog hanggang sa pagbangong muli. Nang si Jesus ay inilibing siya inilatag sa ‘impyerno’ Hades at siya ay ibinangon mula sa mga patay siya ay lumabas mula sa ‘impyerno’ (Hades).

Tingnan sa → Mga Gawa 2:27-31;
Ano ang “Apoy ng Impierno”?
Ang Bagong Tipan ay unang naisulat sa Griego, at ang Griegong salita na ginamit ng Panginoong Jesucristo ng siya ay magsalita ng ‘dagatdagatang apoy’ ay ‘Apoy ng Gehenna’.

Tingnan sa → Mateo 10:28; Santiago 3:6;
Ano ang Gehenna?
Ito ay pangalan ng isang lugar sa lupa. Ang Lambakang Hinnom o Gehenna. Ito ay isang totoong lugar sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Jerusalem. Sa Lumang Tipan ang Israelitas ay nagaalay ng kanilang mga anak sa apoy doon Jeremias 32:35. Sa huling kapanahunan ito ay kung saan ang mga dumi ng Jerusalem ay sinusunog ng apoy na di nahihinto. Alinsunod nito sa Bagong Tipan ito ay ginamit upang mairepresinta ang apoy ng lubosan at permante tulad ng pagsunog ng apoy sa basura sa Jerusalem. Ng gamitin ng Panginoong Jesus ang salitang ‘Gehenna’, siya ay gumagamit ng isang uri ng parabola, subalit ito rin ay hindi imposible na ang kahatulan ng apoy sa huling araw na isinalarawan sa Luma at Bagong Tipa ay literal na mangyayari sa Lambak ng Gehenna.

05. Si Jesucristo

Sino si Jesucristo
Si Jesucristo ang tanging bugtong na Anak ng Dios. Siya ay walang ama na tao, kundi siya ay ipinaglilihi sa pamamagitan ng ang kapangyarihan ng Dios, na tinawag na Banal na Espiritu, na gumawa ng himala sa Kaniyang Ina, na isang birhen.

Siya ay walang pagkakaiba; na isang tao na lumaki, nagutom, nauhaw, umiyak, nagbata at namatay tulad ng lahat ng mga tao.

Anong ang gawain ni Jesus, ang Anak ng Dios?
Upang ihayag ang Kaniyang Ama, ang Makapangyarihang Dios, sa sanlibutan sa paraan na mauunawaan ng tao.

Upang ipakita ang maluwalhating katangian ng Kaniyang Ama – kabanalan, katuwiran at pag-ibig.

Tingnan sa → Juan 1:14-41; Roma 3:24-26;
Upang ipakita sa tao ang lubusang kahulugan ng serbisyo at pagkamasunurin ng isang Cristiano.

Tingnan sa → Lucas 22:42; Juan 5:30; Juan 8:29;
Upang ipangaral ang Evangelio.

Tingnan sa → Lucas 4:18; Lucas 9:6; Lucas 20:1;
Upang mamatay para sa atin.

Upang dalhin tayo pabalik sa Dios.

Tingnan sa → Efeso 2:16; Roma 5:10; Juan 14:6;
Paano tayo maibalik ng Panginoong Jesus sa Dios?
Tayo ay tulad ng mga bata na tumakbong palayo mula sa kanilang mga ama. Tayo ay naihiwalay sa Dios ng ating mga kasalanan. Ang Panginoong Jesus at may kayang maibalik tayo muli sa Dios sa pamamagitan ng kaniyang perpektong buhay at sa kaniyang kusang loob na kamatayan. Dahil siya ay ipinanganak sa pamamagitan ni Maria, si Jesus ay tao subalit siya rin ay ipinanganak sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu; siya ay Anak ng Dios.

Tingnan sa → Hebreo 2:14; Hebreo 2:17-18;
Siya samakatuwid ay kapwa representante ng Dios sa atin at ating representante sa harapan ng Dios. Tinatawag siya ng Biblia na ‘tagapamagitan’ (ang salitang ito ay nangahulugan sumasagitna); sa gitna ng Dios at taao. Bilang isang tao ang ating Panginoon ay natukso tulad natin, subalit hindi tulad natin siya ay palaging nananalo laban sa kasalanan. Kaniyang sinunod ang kalooban ng Dios sa lahat ng bagay, at lalung-lalo na sa pagbata ng pagkapako sa krus at kamatayan bilang isang sakripisyo para sa ating mga kasalanan.

Tingnan sa → 1 Timoteo 2:5; Hebreo 4:15-16;
Kung tayo ang lubos na naniniwala sa gawaing ito ng Cristo, at ipakita ito sa pamamagitan ng bautismo; pinapatawad tayo ng Dios sa ating mga kasalanan at tinatanggap tayo bilang mga anak.

Tingnan sa → 2 Corinto 5:21; Roma 8:2-4;
Pagkatapos mamatay ang Panginnong Jesus, ano ang nangyari sa Kanya?
Siya ay inilibing, subalit sa ikatlong araw siya ay ibinangon namangmuli mula sa mga patay, upang mabuhay magpakailanman.

Bakit nangyari ang mga ito?
Sapagkat siya ay hindi nagkasala, hindi siya nararapat mamatay, ‘ang kabayaran ng kasalanan’ tulad ng tawag ng Biblia nito. Kaya siya ay binangon ng Dios mula sa mga patay.

Sa pagbangon muli ni Panginoong Jesus mula sa mga patay, ipinakita sa lahat ng Dios kung papaano niya gantimpalaan ang lahat na tunay na sumusunod kay Jesus. Kung ilagak natin ang ating pananampalataya kay Cristo at kung ating pagpupunyagiang sumunod at sundan siya, tayo rin ay ibangon muli mula sa mga patay sa huling araw.

Bakit kailangan ng Panginoong Jesus na pumunta sa langit?
Apat napung araw pagkatapos ng kaniyang pagbangong muli sa mga patay, ang Panginoong Jesus ay itinaas sa harapan ng Dios sa langit. Ginawa siya ng Dios na mas mataas kaysa alinmang tao, mas dakila kaysa sinumang mga anghel – ang pangalawang pinakadakila sa buong sangsinukob, kasunod mismo ng Dios.

Si Jesucristo sa ngayon ang siyang tanging saserdote ng Dios at ng dahil sa Kaniya ang ating mga panalangin sa Dios ay nadidinig. Siya rin ay nananalangin sa Dios para sa atin.

Papaano natin malaman na si Jesucristo ay babalik muli sa lupa?
Ipinangako ito ng Dios sa Lumang Tipan.

Ipinangako ng Panginoong Jesus sa kaniyang mga disipulo na siya ay babalik.

Tingnan sa → Mateo 16:27; Apocalipsis 22:12;
Ipinangako ng mga anghel ng Dios sa mga disipulo na si Jesus ay babalik muli tulad sa paraan ng kaniyang ag-akyat.

Tingnan sa → Mga Gawa 1:11;
Itinuturo ng mga Apostoles ang pagbabalik ni Cristo.

Kailan siya babalik?
Walang sinuman ang nakaalam ng oras o ng araw Marcos 13:32. Subalit si Jesus ay babalik sa itinakdang panahon ng Dios, sa malapit na hinaharap.

Tingnan sa → Mga Gawa 17:31; Roma 2:6,16;
May mga tanda ba na malapit ng bumalik si Jesus?
Ang mga Judeo ay nakabalik na sa lupain ng Israel, at ang Jerusalem ay wala na sa ilalim ng pamumuno ng mga Gentil.

Tingnan sa → Lucas 21:24;
Mayroong kaguluhan, takot at kasamaan sa sanglibutan nasa mataas na antas.

Sa isangdaang taon na nakalipas ay walang bansa na Israel. Ang lupain ng Israel ay isang colonia ng Turkey. Maraming Arabo ang nanirahan doon, subalit merong iilang libong Judeo lamang. Sa ngayon, ang Israel ay isang malakas na bansa na may halos tatlong milyon na mga Judeo ng naninirahan. Ito ay isang napakaliwanag na tanda na ang Kaharian ng Dios ay malapit na.

Si Jesus ba ay ipinanganak upang maging hari?
Oo. Si Jesus ay ipinanganak na ‘Hari ng mga Judeo’. Sa paglilitis sa harapan ni Pilato, kaniyang inamin na siya ay isang hari, at ng siya ay namatay, ang titulo sa itaas ng kanyang ulo ay nagsasabing ‘si Jesus ng Nazareth, ang Hari ng mga Judeo’. Siya ay maging Hari ng mga hari.

Kailan maghahari si Jesus sa mga Judeo?
Kung siya ay makabalik na.

Tingnan sa → Mateo 19:28; Lucas 19:11-12, 15
Saan maghahari si Jesucristo?
Siya ay uupo sa luklukan ni David sa Jerusalem.

Si Jesus ba ay maghahari sa mga Judeo lamang?
Hindi. Ang Israel ang unang bansa sa kanyang paghaharian, subalit siya ay maghahari sa lahat ng bansa sa sanglibutan.

06. Ang Kaharian ng Dios

Mayroon na bang Kaharian ang Dios sa lupa noon?
Oo. Ang kaharian ng Israel ay tinawag na kaharian ng Panginoon. Sa pagbalik muli ni Jesus, Kaniyang itatag muli ang kaharian ng Israel na ito, subalit ang darating na kaharian ng Dios ay mas higit na malayong mabuti kaysa sa sinaunang kaharian ng Israel.

Sino ang mamumuhay sa kaharian ng Dios?
Kung tayo ay naniniwala sa mga pangako ng Dios at sundin siya, tayo ay gawing di mamamatay ng Panginoong Jesus sa kaniyang pagbalik. At tayo ay tutulong sa kay Jesus na pamunuan ang kaniyang kaharian. Maraming mga ordinaryong mga tao na nasa laman at dugo ang makalagpas sa kaguluhan sa lupa sa huling mga araw, at sila rin ay mamuhay sa kaharian ng Dios. Ang mga di-na-namamatay na mga namumuno ay matuturo sa kanila ng kapamaraanan ng Dios.

Anong uring pamumuhay ang buhay sa Kaharian ng Dios?
Ang mga taong nasa laman-at-dugo sa lupa ay magsaka ng lupa at ang kanilang gawain ay maging masaya at sagana. Kanilang sasambahin ang tunay na Dios at sundin ang Kanyang mga kautusan. Bibigyan sila ng Dios ng kagalakan at pagalingin ang kanilang mga karamdaman. Ang digmaan at alitan ay ipagbabawal. Pagkatapos ng mahabang panahon ay magkaroon ng huling pagbangon-muli at paghuhukom. Ang mga tapat ay maging di na mamamatay.

Ang Kaharian ng Dios ba ay binubuo na ngayon?
Ang mga kaharian ng sanglibutang ito ay hindi maging kaharian ng Dios hanggang sa pagbalik ni Cristo sa lupa.

Ngunit and Dios ay siyang namumuno sa Kaniyang nilalang at sa mga usapin ng mga bansa.

Tingnan sa → Mga Awit 104:1; Daniel 4:17;
Sa lahat ng panahon siya ay tumatawag sa mga lalaki at babae upang maging bahagi ng makaharing sambahayan ng darating na kaharian.

Gayong mga tao ay kailangang tumanggap, maniwala at susunod sa Evangelio ng Kaharian ng Dios at sa pamamagitan ng bautismo ay papasailalim sa Dios at kay Jesucristo bilang Panginoon. Pagkatapos nito kanilang pakabanalin si Cristo bilang Panginoon sa kanilang mga puso. Sa pamaraang ito ang pinakasentro ng kaharian ng Dios ay nahuhubog sa kahandaan para sa araw ng pagdating ni Cristo.

Tingnan sa → 1 Pedro 3:15;

07. Ang Evangelio

Ano ang Evangelio?
Ang evangelio ay isang katagang Lumang Englis na nangahulugang ‘mabuting balita’. Ito ay ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Dios, at kung papaano tayo makasumpong ng kaligtasan sa kahariang ito. Ngunit and Dios ay siyang namumuno sa Kaniyang nilalang at sa mga usapin ng mga bansa.

Si Jesus ba ang unang nangaral ng Evangelio?
Hindi. Ang evangelio ay ipinangaral kay Abraham, na nabuhay 2,000 taon bago pa kay Jesucristo.

Tingnan sa → Galacia 3:8;
Ang evangelio ay ‘mga pangakong ibinigay sa mga magulang.’

Tingnan sa → Mga Gawa 13:32;
Ano ang ipinangako ng Dios kay Abraham?
Binigyan Niya siya ng mabuting balita ng Evangelio.

Tingnan sa → Galacia 3:8;
Kaniyang sinabi na si Abraham ay maging ama ng isang dakilang bansa ng maraming mga tao, at ng mga hari, at maging pagmumulan ng isang dakilang pagpapala.

Kaniyang ipinangako na ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain sa kay Abraham at sa kaniyang binhi.

Tingnan sa → Genesis 12:3; Genesis 22:17-18;
Siya ay nakipagtipan kay Abraham na kanyang mamanahin ang lupain ng Canaan magpakailanman sa pamamagitan ng pagbangon muli mula sa mga patay.

Kaniyang ipinangako na ang binhi ni Abraham (si Cristo) ay magmamana ng lupain ng Canaan at maging hari sakup ang lahat ng kaniyang kalaban.

Ang mga pangako na ito ay binanggit muli sa mga anak ni Abraham, kay Isaac, at sa kanyang apo na si Jacob.

Ano ang ipinangako ng Dios kay Haring David?
Na siya ay magkaroon ng dakilang saling lahi na ang ama ay ang Dios.

Na ang tipan ng Dios sa kay David ay maisakatuparan sa lahi na ito, na siyang si Cristo.

Tingnan sa → Mga Gawa 2:30;
Na siyang maghahari sa luklukan ni David.

Na ang Cristo ay siyang maging matuwid na tagapagligtas.

Tingnan sa → 2 Samuel 23:3-5;
Na ang makaharing Sambahayan ni David ay siyang maging sambahayan ng Dios at kasama ni Cristo ay magpapatayo ng bahay na sambahan sa Sion.

Mayroon pa bang ibang mga pangako sa Biblia?
Oo. Ang unang pangako na may kaugnayan kay Cristo ay ang pangako ng isang ‘binhi’ sa kay Eva na siyang magwawagi laban sa ‘binhi’ ng serpente; ang kasalanan.

Mayroon ding pangako ang Dios kay Noe, na hindi na sisirain ang sanlibutan muli.

Tingnan sa → Genesis 8:21; Genesis 9:9-17;
At kay pangako kay Phinehas.

Tingnan sa → Mga Bilang 25:13;
Si Jesus din ay nagbigay ng mga pangako sa kanyang mga dicipulo. Mateo 19:28, sa isang magnanakaw.

Tingnan sa → Lucas 23:43;
Sa katapusan, ang mga pangako ay sumasaklaw din sa atin.

Bakit ang ilang talata ay nagsasabing ang mga itinakwil ni Jesucristo ay ihuhulog sa dagat-dagatang apoy?
Sa Apocalipsis 20:14 ay nagsasabi sa atin na ang dagat-dagatang apoy ay pareho ng ikalawang kamatayan. Ginagamit ng tao ang apoy upang sunugin and basura. Sa Biblia, ang Dios ay nagbabanggit ng apoy sa uri ng talinghaga, upang ipakita na yaong kanyang masumpungan na walang silbi ay lubusan mawasak.

08. Ang Pangako

Ano ang ipinangako ng Dios kay Abraham?
Binigyan Niya siya ng mabuting balita ng Evangelio.

Tingnan sa → Galacia 3:8;
Kaniyang sinabi na si Abraham ay maging ama ng isang dakilang bansa ng maraming mga tao, at ng mga hari, at maging pagmumulan ng isang dakilang pagpapala.

Kaniyang ipinangako na ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain sa kay Abraham at sa kaniyang binhi.

Tingnan sa → Genesis 12:3; Genesis 22:17-18;
Siya ay nakipagtipan kay Abraham na kanyang mamanahin ang lupain ng Canaan magpakailanman sa pamamagitan ng pagbangon muli mula sa mga patay.

Kaniyang ipinangako na ang binhi ni Abraham (si Cristo) ay magmamana ng lupain ng Canaan at maging hari sakup ang lahat ng kaniyang kalaban.

Ang mga pangako na ito ay binanggit muli sa mga anak ni Abraham, kay Isaac, at sa kanyang apo na si Jacob.

Ano ang ipinangako ng Dios kay Haring David?
Na siya ay magkaroon ng dakilang saling lahi na ang ama ay ang Dios.

Na ang tipan ng Dios sa kay David ay maisakatuparan sa lahi na ito, na siyang si Cristo.

Tingnan sa → Mga Gawa 2:30;
Na siyang maghahari sa luklukan ni David.

Na ang Cristo ay siyang maging matuwid na tagapagligtas.

Tingnan sa → 2 Samuel 23:3-5;
Na ang makaharing Sambahayan ni David ay siyang maging sambahayan ng Dios at kasama ni Cristo ay magpapatayo ng bahay na sambahan sa Sion.

Mayroon pa bang ibang mga pangako sa Biblia?
Oo. Ang unang pangako na may kaugnayan kay Cristo ay ang pangako ng isang ‘binhi’ sa kay Eva na siyang magwawagi laban sa ‘binhi’ ng serpente; ang kasalanan.

Mayroon ding pangako ang Dios kay Noe, na hindi na sisirain ang sanlibutan muli.

Tingnan sa → Genesis 8:21; Genesis 9:9-17;
At kay pangako kay Phinehas.

Tingnan sa → Mga Bilang 25:13;
Si Jesus din ay nagbigay ng mga pangako sa kanyang mga dicipulo. Mateo 19:28, sa isang magnanakaw.

Tingnan sa → Lucas 23:43;
Sa katapusan, ang mga pangako ay sumasaklaw din sa atin.

09. Pagkabuhay na magmuli

Ano ang pakahulugan ng Biblia sa pagkabuhay-na-mag-uli?
Ang mga taong namatay ay mabuhay muli; tulad ng pagkabuhay na-maguli mula sa mga patay ng Panginoong Jesus.

Kailan mangyayari ang pagbangon muli?
Sa panahon ng pagbalik ng Panginoong Jesus dito sa lupa.

Lahat ba ng tao na nabuhay ay ibabangon muli mula sa mga patay at hahatulan ni Jesucristo?
Ito ay karapatan ng Dios kung sino ang kaniyang ibabangon muli, subalit ang Biblia nagsasabi lamang na ‘marami na nangatutulog sa alabok ay babangon muli’. Daniel 12:2< at ganun din na ang ilan ‘ay hindi babangon’ Isaias 26:14; 43:17 Ipinahiwatig na yaong hindi nakaalam tungkol sa Dios ay di na ibabangon para lamang sirain, habang yaong nakarinig tungkol sa Dios at nakaalam na kanilang sundin si Cristo ay ibabangon.

Ano ang mangyari sa mga di binangon muli mula sa mga patay?
Sila ay hindi na babangon mula sa libingan, kundi manatili na patay magpakailanman.

Ano ang nangyayari sa mga buhay sa pagdating ng Panginoong Jesucristo?
Yaong mga haharap sa paghuhukom ay iiponin ng mga anghel upang salubungin si Cristo, tulad niyaong mga binangon muli mula sa mga patay. Iiponin ng mga anghel ang mga mananampalataya sa alapaap, subalit hindi ito ang kanilang patutungohan, sapagkat ang paghuhukom ay gaganapin dito sa lupa, at ang kaharian ay itatatag din dito sa lupa.

Ang Biblia ba ay nangako na ang mga tapat na Cristiano ay pupunta ng langit?
Hindi. Tulad ng ating kailan lang naalaman nakita na ang Biblia ay nangako na ang mga tapat na tagasunod ni Jesus ay mabuhay magpakailanman sa lupa. Ang Biblia din ay nagsasabi na walang sinoman ang nakapunta sa langit maliban kay Jesus.

Pansinin. May iilang talata sa Biblia na minsan ay maiisip na nagtuturo na ang mga Cristiano ay pinangakoang buhay na walang hanggan sa langit. Subalit ang lahat ng mga ito ay maipakita na umaayon sa katuruan ng nalalabing bahagi ng Biblia. Halimbawa ‘ang bahay ng aking Ama’, ng Juan 14:2 ay hindi nasa langit. Ang bahay ng Dios ay ang templo, tulad ng ipinakita sa Juan 2:16. Ang pinakadakila sa lahat ng mga templo ay ang ispiritual na templo, at ang mga mananampalataya ay mga buhay na bato sa dakilang bahay na siyang pinapatayo.

Tingnan sa → 1 Pedro 2:5

Ang bahay ng Dios samakatuwid ay nasa lupa, at ng dahil dito ang Panginoong Jesus ay nagsasabi ( sa kasunod na talata – Juan 14:3), ‘ako ay babalik at tatanggapin ko kayo sa aking sarili.’

Ano ang kapalaran ng mga itinakwil ng Panginoong Jesus?
Maririnig nila ang pagkondena sa kanila ni Cristo. Makikita nila na ang mga matuwid ay pumapasok sa kaharian ni Cristo, habang sila ay nasarhan sa labas. Sa huli kanilang tatanggapin ang walang hanggang kamatayan – ang ‘ikawalang kamatayan’ ng Apocalipsis 2:11 at Apocalipsis 20:14, kung saan ay walang pagkagising.

11. Buhay na Walang Hanggan

Ano ang mangyayari sa mga tinanggap ng Panginoong Jesus sa Paghuhukom?
Sila ay bibigyan ng buhay na walang hanggan, na kanilang gugugolin dito sa ibabaw ng lupa, sa kaharian ni Cristo.

Ninanais kong mabuhay magpakailanman sa kaharian ni Cristo. Ano ang aking gagawin?
Iyong paniwalaan ng buong puso, ang katuruan ng Biblia. Ito ay maari lamang kung ikaw ay palagi, at masugid na nagbabasa ng Biblia! Basahin mo ito araw-araw!

Ikaw ay ‘magsisi’. Ito ay nangahulugang ikaw ay tunay na nagsisisi na ikaw ay isang makasalanan, ninais mo na patawarin ka ng Dios sa pamamagitan ni Jesucristo sa iyong mga kasalanan, at ikaw ay mangako sa Dios na ikaw ay mamuhay ng mabuting buhay sa hinaharap.

Tingnan sa → Mga Gawa 3:19;
Ikaw ay magpabautismo.

Tingnan sa → Mga Gawa 2:38-42;
Pagpupunyagian mo sa nalalabing buhay mo na sundan ang mga utos ng Panginoong Jesucristo.

Tingnan sa → Roma 2:7;

12. Ang Banal na Espiritu

Ano ang Banal na Espiritu?
Ang katagang ‘espiritu’ ay orihinal na nangahulugang hinga o hangin. Ang Banal na Espiritu, kung minsan ay ‘Espiritu ng Dios’ ay isang paraan upang isalarawan ang kapangyarihan Dios. (Ang salitang ‘Banal na kaluluwa’ ay matatagpuan lamang sa Bibliang King James ang espiritu ay hindi isang kaluluwa).
Sa pamamagian ng Kanyang Espiritu ay nilalang ng Dios ang sanlibutan. Sa pamamagitang ng Kanyang Espiritu ay ginawa ng Dios na ipananganak si Jesus. Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu nagawa ng mga profeta at ng mga apostoles na isulat ang mga kasulatan. Sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ang Dios ay nasa lahat ng dako, at nalalaman ang lahat ng ating ginagawa, iniisip at sinasalita. Sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, ibabangon ng Dios ang mga patay upang mabuhaymuli kapag dumating na ang Panginoong Jesus.
Itong Espiritung – kapangyarihan ng Dios ay palagiang tinatawag na ‘banal’. Kaya’t ito ay ginagamit sa espesyal na gawain ng Dios upang magawa ang Banal na kasulatan at banal na bayan.

Sa karamihan sa Bagong Tipan ang salitang ‘espiritu’ ay ginagamit sa pagsasalarawan uri sa hidwaan ng ‘laman’ at ‘espiritu’. Ito ay mga salita para sa ‘bagong nilalang’ kay Cristo, at ang ‘dating katauhan’ kay Adan.

Tingnan sa → Roma 8:5-7; Efeso 4:20-24;
Ano ang mga kaloob ng Espiritu?
Ang mga kaloob ng Espiritu ay kakaibang kapangyarihan na binigay ng Dios sa ilan sa Kaniyang mga alagad sa panahon at sa kasunod na mga araw ng mga apostoles. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, ang mga piling tao ay nakapagsalita at maisulat ang mga salita ng Dios, at makagawa ng mga miraculo. Ang kaloob ng Espiritu ay sumasaklaw sa pagka-apostoles, panghuhula, pagpagaling at ‘pagsasalita sa wika,’ (Ibig sabihin ay makapagsalita ng ibang wika na di pinag-aralan ito). Ang mga kaloob ay tumulong sa iglesia sa panahon ng nabubukod tanging kahirapan. Sa dalawang paraan naisakatuparan ng kaloob na maipalaganap ang pangangaral ng evangelio. Una, ang mga sinaunang Cristianong mangangaral ay napangaral ang evangelio na may katapangan at kapangyarihan sa iba’t-ibang wika. Pangalawa, kanilang mapatotohanan ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng mga dakilang miraculo. Ang kaloob ay nakagawang maisulat ang Bagong Tipan, at matibay na maitatag ang Cristianong iglesia.

Sa panahon ng Lumang Tipan, si Moises, Elias Elisias at iba pa nagaangkin din ng katulad na kapangyarihan. Tinuturo ni Pablo na darating ang panahon na ang mga kaloob ng Espiritu ay mawawala. Ito ay nangyari ng ang Cristianong iglesia ay naitatag, at ang Bagong Tipan ay natapos maisulat. Kaya ito ang dahilan na wala ng nagaankin ng mga kaloob sa ngayon. Kapag bumalik na ang Panginoong Jesus dito sa lupa, ang mga alagad ng Dios ay muling bibigyan ng kaloob ng Espiritu.

Papaano natin ituring ang mga tao na nagaangking makagagawa ng mga miraculo at makapagsalita ng wika sa ngayon?
Ang Biblia ay nagbibigay ng isang pagsubok sa ganoong mga tao sa Deutoronomio 13:1-. Sa pamamagitan ng pagsubok na ito hindi mahalaga kung ang kanilang mga himala ay totoo o hindi, ang usapin ay – sila ba ay nagsasalita ng tama patungkol sa Dios o hindi? Kung hindi, tulad ng sinabi sa Deutoronomio 13:3, pinadala sila ng Dios upang ikaw ay subukin.
Sa paghambing ng itunuturo ng yaong mga tao sa Biblia, lumalabas na sila ay mga bulaang guro na hindi gumagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios. Kung minsan sila ay sadyang manlilinlang, nasa palagian sila ay sariling-nalilinlang. Sila ay katulad ng mga bulaang profeta at mga mahiko na nagaangking makagawa ng mga himala sa panahon ni Moises, ng Panginoong Jesus at ng mga apostol.

Ang mga manunuring medico ay paulit-ulit na nagpapakita na ang ‘mga panggagamot’ ng karamihan sa mga nagpapagaling ay sa maliit na antas at panandalian lamang, o kung hindi, ito ay tahasang panlilinlang. Ganon din ang mga mananalita ay makapagpakita sa pamamagitan ng pagsuri sa mga naitalang tinig na ang mga ‘salita’ ay hindi isang wika, kungdi isang paulit-ulit na di malinaw na pagsalita ng sariling wika ng nagsasalita. At kung ito ay tunay, saan ang mga himala na magagawa ng mga apostoles sa pamamagitan ng kaloob ng Espiritu Santo tulad ng pagbangon ng patay?
Ang Banal na Espiritu ng Dios ba ay aktibo sa ngayon?
Oo. Ang espiritu ng Dios ay palaging aktibo Mga Awit 139:7-10. Para sa kaligtasan ng lahat ng lalake at babae ito ay makapangyarihang aktibo sa kanyang salita, ang Biblia, na siyang espiritu at buhay Juan 6:63. Kapag ang salita ng Dios ay sinamahan ng pananampalataya sa puso ng mananampalataya, ito ay naging isang di-nasisirang binhi na magdadala ng masaganang pagpapala ng Dios, isang bagong pagkapanganak sa pamamagitan ng bautismo.

Tingnan sa → 1 Pedro 1:23-25; 1 Pedro 2:1-3;
Sa pamamagitan nito tayo ay makapasok sa bahay ng Espiritu. Kaya tayo ay makalapit sa Dios sa pamamagitan ng panalangin sa pamamagitan ni Jesucristo at makasumpong ng lakas sa pangaraw-araw na buhay at patalima sa mga utos ng Dios.

Nangako ang Dios na hindi niya tayo iiwan o itakwil.

Tingnan sa → Hebreo 13:5-6;

13. Mga Anghel

Ano ang mga anghel?
Ang mga anghel ay mga di-namamatay na mga mensahero ng Dios. Ang mga anghel ay nagproprotekta kay Abraham, Isaac, at Jacob. Binalaan ng mga anghel si Lot tungkol sa parusa ng Dios sa Sodoma. Ang anghel ang nagbigay ng kautusan ng Dios kay Moises. Ang mga anghel ang nagsalita sa kapanganakan ng Panginoong Jesus sa mga pastol. Ang mga di nakikitang mga angel ang tumitingin sa mga alagad ng Dios sa kasalukuyan. Ang mga anghel ang tutulong sa Panginoong Jesus sa kaniyang pagbabalik upang maghukom.

14. Kasalanan

Ano ang Kasalanan?
Sa tuwing ating nilabag ang mga kautusan ng Dios, tayo ay nagkakasala. Kasalanan pa rin kahit hindi natin napagtanto na tayo ay nagkakasala.

Tingnan sa → 1 Juan 3:4; Levitico 4:21;
Sino ang sumusubok sa atin upang magkasala?
Ang pag-akit upang magkasala ay nanggagaling sa sarili nating pagiisip at katawan. Tayo ay inaakit ng sarili nating ‘kalagayang tao’. Tinawag ni Apostol Pablo ito na ‘kautusan ng kasalanan’ nasa kanyang katawan. Kung minsan ibang mga tao ang humihikayat sa atin na umayon sa makasalanang pita ng sarili nating kalagayan.

15. Satanas / Diablo

Sino ang sumusubok sa atin upang magkasala?
Ang pag-akit upang magkasala ay nanggagaling sa sarili nating pagiisip at katawan. Tayo ay inaakit ng sarili nating ‘kalagayang tao’. Tinawag ni Apostol Pablo ito na ‘kautusan ng kasalanan’ nasa kanyang katawan. Kung minsan ibang mga tao ang humihikayat sa atin na umayon sa makasalanang pita ng sarili nating kalagayan.

Ano ang diablo?
Ang diablo ay isang uri ng parabola ng kasamaan ng kalagayang-tao. Ang hindi nababagong kalagayang-tao ay di kalugod-lugod sa Dios. Ipinakita Niya ito sa pagtawag dito na ‘ang diablo’. Ang mga taong masasama ay kung minsan tinatawag din na ‘ang diablo’.

Ano mangyayari kung tayo ay sumunod sa mga masasamang pita ng ating pagkatao, at mamuhay sa makasalanang buhay?
Tayo ay mamamatay. Kaya nga tinawag ng Biblia na ang diablo (pagkatao) ay may ‘kapangyarin ng kamatayan’.

Tingnan sa → Roma 6:23; Hebreo 2:14;
Ano ang ginawa ni Panginoong Jesucristo sa diablo?
Ang Biblia ang nagsabi na winasak ng Panginoong Jesus ang diablo ng siya ay namatay. Ito ay nagpatunay na ang diablo ay hindi isang makapangyarihang masamang halimaw na nabubuhay sa ngayon.
Ang ating Panginoon ay may kalagayang tulad natin, na siya ay natukso na magkasala tulad natin. Ito ay nangahulugan na ang Panginoong Jesus ay nakipagbaka laban sa ‘diablo’ (ang sarili niyang pagnanasa) tulad natin. Subalit, di tulad natin. Napanalunan ng Panginoon ang bawat pakipagbaka, ni minsan ay hindi siya bumigay sa tukso, kayat, and ‘diablo’ ay natalo. Dahil si Jesucristo ay nagbangon muli mula sa mga patay siya ay may hindi na mamamatay na katawan at di na humaharap sa tukso. Sa kanya, ang taong kalagayan (ang diablo) ay nasira na at patay.

Ano ang kahulugan ng ‘Satanas’?
Ito ay isang salitang Hebreo na nangahulugang ‘ang Kalaban’ (Ang Lumang Tipan ay naisulat sa Hebreo). Kung minsan ito ay isinasaling ‘kalaban’ o ‘katunggali’, o (Sa salin na King James) ‘hadlang’, at kung minsan ito ay ginagamit bilang pangalan. Hinadlangan ni Pedro ang Panginoong Jesus, kaya sinabi ni Jesus sa kaniya na ‘Pumaroon ka sa likuran ko, Satanas’. Ang kalagayan ng tao ay ang pangunahing kalaban ng Dios (at atin din), kaya sa Bagong Tipan tinawag ito na ‘Satanas’ sa maraming lugar. Ang mga taong masama ay tinawag din na ‘Satanas’ sa ibang talata.

Paala-ala: may mga iilang talata sa Biblia na kadalasang ipinangahulugang nagtuturo ng isang makapangyarihang di karaniwan diablo; subalit sa bawat usapin ito ay dahil sa di maingat na pagbasa. Halimbawa; ‘ang Lucifer’ sa Esaias 14:12 ay hindi isang masamang anghel. Siya ay ang Hari ng Babilonia, isang napakasama, malupit at mapagmataas na tao. Basahin ang buong salaysay simula sa talata 4. Ganundin ang ‘pinahiran ng Kerubim’ ng Ezekiel 28:14 ay hindi isang masamang anghel. Ito ay ang hari ng Tiro – ang talatang 12 ang nagsasabi nito.

16. Mga Demonyo

Ano ang mga demonyo at mga karumaldumal na Espiritu?
Sa biblia ang mga sakit lalo na ang sakit sa pagi-isip ay tinatawag na mga ‘diablo’ o ‘demonyo’ o ‘masamang espiritu’ o ‘karumaldumal na espiritu’. Kapag ang mga tao ay gumaling ang sakit – ‘karumaldumal na espiritu’ ay sinasabing ‘pinapalabas’. Kung minsan ang ‘karmaldumal na espiritu’ ay nangahulugang ‘kasamaan’.

Maraming mga tao ang naniniwala na ang ‘masamang espiritu’ ay mga buhay na nilalang na di nakikita. Paniwalaan ba ito ng mga Cristiano?
Hindi. Maraming relihiyon ang nagtuturo ng paniniwalang paganong ito, subalit ito ay hindi totoo. Hindi ito itinuturo ng Biblia. Sinasabi ng Biblia na ang Dios ang siyang Panginoong ng Kanyang sansinukob. Walang anumang buhay na espiritu maliban sa Dios, ang Panginoong Jesus, at mga anghel ng Dios. Lubos na sinusunod ng mga anghel ang kalooban ng Dios kaya’t hindi sila magkakasala o mamatay. Tulad ng atin ng nakita, ang diablo, Satanas, at mga karumaldumal na espiritu ay ginagamit sa Biblia bilang isang parabola. Ang mga ito ay kumakatawan sa makasalanang kalagayan ng tao, at mga sakit, na siyang ating napapala ng dahil sa ating makasalanang kalagayan.

17. Ang Bautismo

Ano ang Bautismo?
Ang bautismo ay lumalakip sa lubos na paglubog sa tubig ng isang tao.

Ano ang kahulugan ng bautismo?
Ito ay nagpaala-ala sa atin na si Jesus ay nailibing at bumangon muli, kaya ito ay nagpapakita sa atin na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay at pagbangong-muli.

Tingnan sa → Roma 6:3-4;
Ito ay nagpaala-ala sa atin na dahil tayo ay mga makasalanan, tayo ay nararapat mamatay. (Kung tayo ay manatiling nasa ilalim ng tubig tiyak na tayo ay mamamatay).

Tingnan sa → Roma 6:5-7;
Ito ay nagpaala-ala sa atin na dahil ang Dios ay maawain, ninais niyang tayo ay maligtas mula sa kamatayan sa pamamagitan ng pagbangon-muli samakatuwid ang bautismo ay isang uri ng ‘pagkamatay’ – isang ‘paglilibing’ sa tubig – at isang uri ng ‘pagbangon-muli’. Ito ay isang isinadulang parabola.

Tingnan sa → Colosas 2:12-13;
Ito ay nagpaala-ala sa atin na katulad ng tubig na naghuhugas ng dumi, inaalis ng Dios ang mga kasalanan ng mga sumusunod sa Kanya. Kung tayo ay nabautismohan, pinapatawad tayo ng Dios sa lahat ng ating mga nagawang kasalanan. Kaya tayo ay makapagsimula ng bago bilang mga dicipulo ni Jesucristo.

Tingnan sa → 1 Pedro 3:21; Mga Gawa 22:16;
Ito ay isang tanda na sa pamamagitan nito tayo ay magiging mga anak ng Dios at bahagi na binhi ni Abraham sa kay Jesucristo sa pamamagitan ng isang walang hanggang tipan.

Tingnan sa → Galacia 3:26-29;
Kinakailangan ba tayong bautismohan?
Oo ang Panginoong Jesus ay nabautismohan. Si Pablo ay nabautismohan. Ang mga nahikayat sa sinaunang iglesia ay nangabautismohan, tulad ng utos ng Panginoong Jesus. Ang bautismo ay isang gawa ng pagiging masunurin. Tayo ay kinakailangnang mabautismohan sapagkat ipinag-utos ng Dios na tayo ay bautismohan.

Tayo ay maaring mabautismohan bago natin maunawaan ang evangelio?
Hindi. Kinakailangang maunawaan natin ang evangelio, paniwalaan ito, pagkatapos, sa pinakamadaling pagkakataon ay mabautismohan.

Tingnan sa → Marcos 16:16; Mga Gawa 8:12;
Ang Biblia ba ay nagbabanggit ukol sa mga sanggol na nababautismohan?
Hindi. Kailanman ay hindi. Ang mga sanggol ay walang kakayahang maniwala, kaya’t di sila nararapat bautismohan.

Tingnan sa → Mga Gawa 8:12;

at pansinin ang salitang, ‘ng sila ay naniwala’, at ‘kapwa mga lalake at babae’

Tama ba na ang bautismo ay maaring magawa sa pamamagitan ng pagwisik o pagbuhos ng tubig sa isang tao?
Hindi. Ang Panginoong Jesus at ang kanyang mga dicipulo ay inilubog sa ilalim ng tubig, kaya tayo ay ganoon din.

Tingnan sa → Mateo 3:16; Mga Gawa 8:38-39;

18. Ang Buhay Cristiano

Tayo ba ay gaganap ng komunyon?
Oo. Sa Biblia ang komunyon ay simpleng tinawag na ‘pagpuputol-putol ng tinapay’ Mga Gawa 2:42. Ipinagutos ng Panginoong Jesus sa atin na palagiang magtipon upang magputol-putol ng tinapay at uminom ng vino, sa pagalaala ng kanyang sakriprisyo, hanggang siya ay bumalik ang tinapay ay kumakatawan sa kanyang katawan at ang vino ay kumakatawan sa kanyang dugo.

Tingnan sa → 1 Corinto 11:26; Juan 6:53-56;
Sa ating pagpabautismo, ito ay isang bagong pagkapanganak. Ang bagong silang ay nangailangan ng pagkain sa tamang oras. Ang pagputolputol ng tinapay ay isang simbolikong pagkain na nagbibigay sa atin ng pagkaing espiritiual.
Sa bautismo ang ating mga nakaraang pagkakasala ay napapatawad, subalit ang kahinaan ng kalagayang-tao ay di makaiwas na magkasala. Ang pagputol-putol ng tinapay na gawain ay nagdudugtong muli sa atin sa sakripisyo ni Cristo at nagbago sa pagpapatawad ng mga kasalanan.
Sa pagputol-putol ng tinapay tayo ay napaalalahanan ng ating pangako na ating ginawa ng tayo ay nabautismohan. Ito ay panahon ng muling pagaalay. Ito ay nagpaala-ala sa atin na si Jesus ay babalik.
Ito ay nagpapalakas ng ating pagsasama kasama ang kapwa natin mananampalataya.

Kinakailangan bang tayo ay magpuputol-putol ng tinapay at uminom ng vino sa anumang mahahalagang araw?
Hindi. Ang pagpuputol-putol ng tinapay ay inilatag sa isang gabing-san-linggo. Tayo ay ipinaalam na gawin ito ‘tuwing-tuwina’ 1 Cor 11:26; Subalit hindi tayo sinabihan kung gaano kadalas o kung sa anong araw. Ang mga sinaunang dicipulo ay nakagawian na ganapin ito ‘sa unang araw ng linggo’ Linggo Mga Gawa 20:7. Sa karamihang tao sa ngayon, ang Linggo ang siyang pinakaangkop na araw, subalit sa ibang bansa; (tulad sa Nepal ang Sabado ay ang lingguhang mahalagang araw o anumang araw ay maari).
Pwede bang makipagputol-putol ng tinapay ang mananampalataya kahit kanino?
Hindi. Ang pagpuputol-putol ng tinapay, katulad ng bautismo ay isang pagala-ala sa kamatayan ni Cristo 1 Corinto 11:26; sa sumunod na mga talata itinuturo ni Pablo na tayo ay ‘nabautismohan ng iisang espiritu tungo sa isang katawan’ 1 Corinto 12:12. Ito ay nagpaliwanag na ang pagpuputol-putol ng tinapay ay nakasalalay sa pagkaunawa sa pagkamatay ni Cristo, gayundin sa mga nabautismohan tungo sa isang katawan. Ating maibahagi lamang ang tinapay (ang katawan ni Cristo) sa mga nasa loob ng parehong katawan.
Anong ibang pagsisilbi pa na itataguyod ng mga nananampalataya?
Ang Bagong Tipay ay nagpapakita na ang sinaunang iglesia ay nagtitipon-tipon para ipangaral ang evangelio, gayundin nagtitipon upang pagaralan ang Biblia.

Ipangilin ba natin ang araw ng Sabado?
Hindi. Ang utos na ipangilin ang Sabbath (Sabado) bilang isang banal na araw ay ang ika-apat sa sampung utos. Ang siyam na utos ay lahat binanggit muli sa Bagong Tipan kaya ito ay dapat sundin ng mga Cristiano. Subalit ang Panginoong Jesus at ang kanyang mga apostoles ay hindi nagturo na ipangilin ang Sabbath. Ang kautusan ni Moises ay natanggal pagkatapos ng pagkamatay ni Cristo.

Gaano kadalas basahin ng isang Cristiano ang kanyang Biblia?
Araw-araw kung maaari. Binabasa ni David ang kanyang Biblia tuwing umaga at kinagabihan. Mga Awit 119:147-148. Sa mga walang kakayahang magbasa ay himukin ang kanilang mga anak na basashin ito sa kanila o pagsikapang pumunta sa bahay ng isang kapatid na marunong magbasa upang kanilang mapakinggan ang Biblia na binabasa.

Tingnan sa → Gawa 17:11;
Anong uri ng buhay ang itataguyod ng isang Cristiano?
Ang isang Cristiano ay kailangan maging makatotohanan, tapat, malumanay, mapayapa, mapagmahal, mapagbigay.

Maging walang dungis, malinis at banal.

‘hindi lasenggo’

Mapagkakatiwalaan at masipag.

Napipigilan ang kanyang bibig.

Ano ang pangahulugan ng Biblia sa pananampalataya?
Ang pananampalataya ay nangahulugang ng paniniwala sa mga pangako ng Dios. Halimbawa, si Noe ay naniwala na sirain ng Dios ang sanlibutan ng baha,,ng baha, kanyang ipinakita ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpatayo ng arko. Ang isang taong walang pananampalataya ay ang taong walang tiwala sa Dios, hindi siya naniwala na tuparin ng Dios ang kanyang mga ipinangako sa kanyang puso. Ang gayong uri ng tao ay itinuring na ang Dios ay sinungaling – isa na nangangako at hindi tinutupad ito.
Ang pananampalataya ay isang napakahalagang bahagi ng buhay Cristiano. Kung tayo ay naniwala na ang ating mga kasalanan ay nahuhugasan sa pamamagitan ni Cristo, ating maipakita ang ating pananampalataya sa pagpabautismo. Kung tayo ay naniwala na isugo ng Dios ang Panginoong Jesus upang linisin ang sanlibutan at punoin ito ng kabanalan, atin ipakita ang ating pananampalataya sa paghahanda ng ating mga puso para sa ikalawang pagpaparito niya at sa panalangin araw-araw para dito. Imposible na maging isang Cristiano na hindi nagpapakita ng pananampalataya.

Kinakailangan ba ang pagdasal araw-araw ng isang Cristiano?
Oo. Nais ng Dios na tayo ay manalangin sa kanya palagi. Si Jesus ay nagbigay ng isang parabola na nagtuturo na ang mga tao ‘kailangan palagiang nanalangin at hindi manghihina’. Ang isang Cristiano na hindi nananalangin sa kalaunan ay mawalan ng ugnayan sa Dios. Kung minsan ang Panginoong Jesus ay gumugugol ng buong gabi sa panalangin. Ang panalangin ay kailangang maging mahalagang bahagi rin ng ating buhay.
Si Jesucristo ay ang ating Mataas na Sacerdote sa harapan ng Dios at tayo ay nanalangin sa Dios sa pamamagitan ni Cristo.

Kailangan bang makipaglaban ang Cristiano sa mga masasamang tao?
Hindi, hindi kailanman. Ang Panginoong Jesus ay napaligiran ng mga masasamang tao na sa kalaunan ay pumatay sa kanya. Subalit hindi niya sinaktan ang sinuman sa kanila, at tayo rin ay huwag manakit ninuman. Kahit maging ito ay pagtanggol sa sarili.

Anong ang paguugali na kinakailangan ng isang Cristiano tungo sa mga batas ng bansa na kanyang tinitirhan?
Ang isang Cristiano ay palaging masunurin at gumagalang sa mga pambansang batas sapagkat ang ‘mga namumuno ay tinatalaga ng Dios’ Roma 13:1-5. Ang isang Cristiano ay kailangang maging mabuting mamamayan na masunurin sa batas na tapat na nagbabayad ng kanyang buwis.

Tingnan sa → Tito 3:1; Roma 13:6-7; Lucas 20:25;
Subalit paminsan sa mga madalang na usapin na ang pamunuan ay papasa ng batas na sumasalungat sa batas ng Dios (halimbawa, kung tayo ay inuutusang magsamba sa diosdiosan o sumama sa sandatahan) kung sa gayon ‘tayo ay susunod sa Dios kaysa sa tao’

Tingnan sa → Mga Gawa 5:29;
Ang isang Cristiano ay hindi maghahabla ng kanyang kapatid sa hukuman.

Tingnan sa → 1 Corinto 6:18;
Kailangan bang maging aktibo ang isang Cristiano sa politica upang mapaunlad ang kanyang bayan?
Hindi. Hindi tinangka ng Panginoong Jesus na tutulong mamuno sa kanyang bayan. Kanyang nilabanan ang mga pagtangkang gawin siyang isang pinuno, at tinanggihan ang anumang posisyon ng kapangyarihan laban karinuman. Alam ng Panginoon na ang kanyang kaharian ay ‘hindi ayon sa sanlibutang ito’, at ang pinakauna niyang tungkulin ay ang pangangaral ng evangelio. Ang isang Cristiano ay maging maingat na mapahalo sa mga usapin ng sanlibutan.
Kung minsan ang pamahalaan ay gagawa ng mga hindi masuportahan ng isang Cristiano – halimbawa, ang pagpasok sa digmaan o itaguyod ang sugal. Subalit, sa abot ng makakayanan ang isang Cristiano ay dapat lumayo mula sa usaping pangpubliko at ilagak ang kanyang lakas sa pangangaral ng evangelio at sa paggawa ng mabuti sa mga nangangailangan, ito ang mga halimbawa ng ibinigay ng Panginoong Jesus.

Tutulong ba ang isang Cristiano sa iba upang makakuha ng kalagayan sa pulitika sa pagbubuto sa halalan?
Hindi. Sa pagboto ang isang tao ay nagpapakita na siya ay interesado sa pulitika, at ang isang Cristiano ay di dapat interesado sa mga pulitika. Ang isang Cristiano ay tatanggap anumang namumuno na pinahintulotan ng Dios na maihalal, at manalangin sa Dios na tulungan ang mga ito na mamumuno ng may katalinuhan.

May mga uri ng trabaho ba na iwasan ng isang Cristiano?
Oo. Iiwasan ng isang Cristiano ang anumang trabaho na kinakailangan niyang gumamit ng dahas laban sa kapwa (tulad ng mga sundalo at mga pulis). Iwasan niya ang anumang tungkulin na kinakailangan niyang sumumpa ng isang sumpa ng pagsunod. Walang Cristiano ang susumpa ng katapatan sa kaniruman sa dahilang ang kanyang katapatan ay sa kay Cristo.
Ang isang Cristiano ay iiwas sa mga hindi maka-Cristianong kalagayan, halimbawa ang pagiging kawani sa isang pasugalan, o sa gawaan ng mga armas, o sa lugar kung saan ibinebenta ang na kakalasing, o sa isang tindahan na nagbebenta ng mga masasamang mga aklat

Ang Biblia ba ay nagbibigay na gabay tungkol sa pagaasawa?
Ang ulirang pagaasawa ay kailangan ‘nasa Panginoon lamang’.

Tingnan sa → 1 Corinto 7:39;
Ang magasawa ay kapwa maging mapagmahal at tapat sa isa’t-isa, tulad na si Jesucristo ay mapagmahal at tapat sa kanyang iglesia.

Ang mga bata ay palakihin sa isang masayang tahanan ng mga mapagmahal na magulang, na magtuturo sa kanila upang sumunod sa Dios.

Ang mga mananampalataya ay hindi manguna sa paghiwalay laban sa kanilang asawa, kahit na ang asawa ay isang hindi mananampalataya.

Tingnan sa → 2 Corinto 7:10-13;