15. Satanas / Diablo

Disyembre 20, 2022

Ano ang kahulugan ng ‘Satanas’?

Ito ay isang salitang Hebreo na nangahulugang 'ang Kalaban' (Ang Lumang Tipan ay naisulat sa Hebreo). Kung minsan ito ay isinasaling 'kalaban' o 'katunggali', o (Sa salin na King James) 'hadlang', at kung minsan ito ay ginagamit bilang pangalan. Hinadlangan ni Pedro ang Panginoong Jesus, kaya sinabi ni Jesus sa kaniya na 'Pumaroon ka sa likuran ko, Satanas'. Ang kalagayan ng tao ay ang pangunahing kalaban ng Dios (at atin din), kaya sa Bagong Tipan tinawag ito na 'Satanas' sa maraming lugar. Ang mga taong masama ay tinawag din na 'Satanas' sa ibang talata.
Paala-ala: may mga iilang talata sa Biblia na kadalasang ipinangahulugang nagtuturo ng isang makapangyarihang di karaniwan diablo; subalit sa bawat usapin ito ay dahil sa di maingat na pagbasa. Halimbawa; 'ang Lucifer' sa Esaias 14:12 ay hindi isang masamang anghel. Siya ay ang Hari ng Babilonia, isang napakasama, malupit at mapagmataas na tao. Basahin ang buong salaysay simula sa talata 4. Ganundin ang 'pinahiran ng Kerubim' ng Ezekiel 28:14 ay hindi isang masamang anghel. Ito ay ang hari ng Tiro – ang talatang 12 ang nagsasabi nito.
Disyembre 20, 2022

Ano ang ginawa ni Panginoong Jesucristo sa diablo?

Ang Biblia ang nagsabi na winasak ng Panginoong Jesus ang diablo ng siya ay namatay. Ito ay nagpatunay na ang diablo ay hindi isang makapangyarihang masamang halimaw na nabubuhay sa ngayon.
Ang ating Panginoon ay may kalagayang tulad natin, na siya ay natukso na magkasala tulad natin. Ito ay nangahulugan na ang Panginoong Jesus ay nakipagbaka laban sa 'diablo' (ang sarili niyang pagnanasa) tulad natin. Subalit, di tulad natin. Napanalunan ng Panginoon ang bawat pakipagbaka, ni minsan ay hindi siya bumigay sa tukso, kayat, and 'diablo' ay natalo. Dahil si Jesucristo ay nagbangon muli mula sa mga patay siya ay may hindi na mamamatay na katawan at di na humaharap sa tukso. Sa kanya, ang taong kalagayan (ang diablo) ay nasira na at patay.
Disyembre 20, 2022

Ano mangyayari kung tayo ay sumunod sa mga masasamang pita ng ating pagkatao, at mamuhay sa makasalanang buhay?

Tayo ay mamamatay. Kaya nga tinawag ng Biblia na ang diablo (pagkatao) ay may ‘kapangyarin ng kamatayan’.
Tingnan sa → Roma 6:23; Hebreo 2:14;
Disyembre 20, 2022

Ano ang diablo?

Ang diablo ay isang uri ng parabola ng kasamaan ng kalagayang-tao. Ang hindi nababagong kalagayang-tao ay di kalugod-lugod sa Dios. Ipinakita Niya ito sa pagtawag dito na ‘ang diablo’. Ang mga taong masasama ay kung minsan tinatawag din na ‘ang diablo’.
Disyembre 20, 2022

Sino ang sumusubok sa atin upang magkasala?

Ang pag-akit upang magkasala ay nanggagaling sa sarili nating pagiisip at katawan. Tayo ay inaakit ng sarili nating ‘kalagayang tao’. Tinawag ni Apostol Pablo ito na ‘kautusan ng kasalanan’ nasa kanyang katawan. Kung minsan ibang mga tao ang humihikayat sa atin na umayon sa makasalanang pita ng sarili nating kalagayan.